Wednesday, February 28, 2018




MGA RELIHIYON


Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente at may pinakamaraming bilang ng tao sa mundo. Ito marahil ang dahilan kung bakit mayroon iba’t ibang uri ng relihiyon na nabuo noon pa man. Ang Asya rin ang pinagmulan ng pinakaunang relihiyon kasama na ang Hinduismo, Buddhismo, Sikhismo, Confucianismo, Taoismo, Kristianismo, at Jainismo at iba’t iba pang paniniwala na nabuo sa kontinenteng ito.

Una na rito ang Hinduismo. Ang Hinduism ay kilala rin bilang Hindū Dharma o Vedic Dharma sa mangilan-ngilang modernong wikang Indian tulad ng Hindi, Bengali at iba pang kontemporaryong Wikang Indo-Aryan, at ganun din sa iba’t-ibang dilang Dravidian tulad ng Tamil at Kannada. Ito ay ang relihiyong magsimula sa India. Ang ibig sabihin ng salitang-ugat nito na Hindu ay India.
 Kasaysayan: Magpahanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino ang nagpasimula ng paniniwalang ito. May mga nagsasabing ang mga Asyano ang nagpasimula nitona kanila namang itiinuturo noon sa kabihasnang Vedic. Sinasabing ang relihiyong ito ay ang pinakalumang “extant”na relihiyon sa buong mundo.
Ito ay kinukunsidera na pangatlo sa pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo sapagkat mayroon ito na halos humigit kumulang sa isang biyong tagasunod. Ang pinakamarami ay nasa India, na humigit kumulang 890 milyong tagasunod. Mayroon rin sa bansang Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Indonesia at Malaysia.

Paniniwala: Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.
Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.


Ang ikalawa ay ang  Buddhismo.
Ang Budismo o Budhismo  ay nangangahulugang “ang landas o batas ng naliwanagan o ng gising”. Ito ay isang relihiyo o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Siddhārtha Gautama o mas kilala bilang Buddha na mamuhay marahil noong ika-limang siglo.
Kasaysayan: Kumalat ang Budismo sa buong lumang sub-kontinente ng Indya sa limang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Buddha, at naikalat sa Gitna, Timog-silangan at Silangang Asya sa sumunod na dalawang milenyo.
  • Paniniwala: Nagpatuloy ang Budismo na mang-akit ng mga tagasunod sa buong mundo, at, kasama ang mga 350 milyong tagasunod, tinuturing ito bilang isang pangunahing relihiyon sa mundo.Isang relihiyon o paniniwala na naka tuon sa budhi ng bawat tao.Sa paniniwalang sa pamamagitang ng mabuting budhi ay mararating ng tao ang mataas na kamalayan at mataas na antas ng kalagayang pang espirituwal o diwa ng tao.
Isang pilosopiya ang Budismo na may mga ibat-ibang paniniwala, na pinaniniwalaan ng iba bilang isang relihiyon.
Budista o Budhista ang tawag sa taong naniniwala sa Tatlong Alahas (o Three Jewels)
  • Buddha (Ang Isang Nagising o Namulat)
  • Dharma (ang Pagtuturo ng Buddha
  • Sangha (Pamayanan ng mga Budista).